Hindi hihingi ng PIN ang naka-lock na profile

Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi magpalagay sa iyo ng PIN kahit na naka-lock ang profile dahil:

  • Hindi puwedeng i-update ang ilang device para humingi ng PIN para makapasok sa mga naka-lock na profile. Sa ganitong mga device:

    • Hindi kailangan ang PIN ng Profile Lock para ma-access ang isang naka-lock na profile, pero kailangan ito para manood ng mga TV show o pelikula sa profile na iyon.

    • Hindi ka makakapag-add ng mga bagong profile kung kailangan ng PIN para mag-add ng mga profile sa account.

  • Automatic na bubuksan ng ilang web browser ang naka-lock na profile kapag nag-sign in ka.

    • Automatic na bubuksan ng web browser ang huling profile na ginamit. Kung ayaw mong automatic na ma-sign in sa huling ginamit na profile, i-clear ang cookies sa browser mo.

    • Kailangan pa rin ang password ng account mo para makapag-sign in at ma-access ang naka-lock na profile.

    • Mababago ng kahit sinong may password mo ang mga kontrol ng magulang.

Mga Kaugnay na Article