Paano baguhin ang video quality ng na-download
Nag-aalok ang Netflix ng iba't ibang option sa video quality na pinakamainam sa mga kinakailangan mo.
Standard: Mas mabilis ang pag-download sa mga TV show at pelikula at mas kaunting storage space ang ginagamit. Magpe-play ang mga na-download sa standard resolution (SD) na video quality.
High/Higher: Mas mabagal ang pag-download sa mga TV show at pelikula at mas maraming storage space ang ginagamit. Magpe-play ang mga na-download sa 1080p o high definition (HD) na video quality.
Paalala:Hindi sinu-support ng ilang device ang panonood sa HD. Hindi available sa HD ang ilang TV show at pelikula.
Para baguhin ang setting ng quality ng video na na-download sa Android phone o tablet, iPhone, o iPad:
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Settings ng App.
I-tap ang Quality ng Video na Na-download o Quality ng Video.
Piliin ang Standard o High/Higher.
Paalala:Hindi mababago ang setting na ito sa mga Android at Fire device na hindi sumu-support sa pag-play sa HD.