Sabi ng Netflix, 'Hindi Private ang Connection Mo'

Kung nakikita mo ang message sa computer mo na nagsasabing

Hindi private ang connection mo

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay hindi maka-connect ang computer mo sa Netflix dahil sa problema sa network. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi umubra ang steps sa itaas, baka may malware sa computer o home network mo. Baka tangkain ng malware na alisin ka sa Netflix website o kunin ang mga detalye ng Netflix account mo. Bago ka makagamit ng Netflix, dapat munang alisin ang anumang kasalukuyang malware. Magpatulong sa manufacturer ng computer mo o sa isang IT expert.


Para sa higit pang impormasyon tungkol sa seguridad at Netflix, tingnan ang Paano panatilihing secure ang account mo.

Mga Kaugnay na Article