Hindi nagbabago ang hitsura ng subtitle at caption

Kung binago mo ang hitsura ng subtitle at caption mo pero hindi gumana ang update, sundin ang steps para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Lumipat ng Netflix profile

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. I-tap ang icon ng Profile mo , at i-tap ang ibang profile para lumipat doon.

    • Kung wala kang ibang profile, i-tap ang Mag-add ng Profile para gumawa ng bago.

  4. Sundin ang steps sa itaas para bumalik sa orihinal na profile.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

I-reload ang Netflix app
  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang I-reload ang Netflix.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang I-reload ang Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article