Paano gumamit ng Netflix sa Meta Portal TV mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang tungkol sa Netflix Meta (Facebook) Portal TV mo, pati na kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo.

Paalala:
Puwede kang manood ng Netflix sa Meta Portal TV, pero hindi sa iba pang Meta device.
I-set Up ang Netflix
Mag-sign Out sa Netflix
Netflix sa Ultra HD
Netflix sa HDR

Para i-connect ang Meta Portal TV mo sa Netflix account mo, sundin ang steps na ito.

Kumonnect mula sa Home screen

  1. Piliin ang Netflix.

  2. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Kumonnect mula sa remote mo

  1. Magsimula sa home screen ng TV mo.

  2. Pindutin ang Netflix button sa remote mo.

  3. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:
    Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings icon ng settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa Meta Portal TV. Para mag-stream sa Ultra HD, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • TV na compatible sa pag-stream ng Ultra HD mula sa Netflix, na naka-connect sa Meta Portal TV mo gamit ang HDMI port na may support sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 25 megabits kada segundo o mas mabilis pa.

  • Quality ng pag-stream na naka-set sa High o Auto.

Available ang Netflix sa HDR sa Meta Portal TV. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na may support para sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Streaming device na may support para sa Dolby Vision o HDR at Netflix.

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 na naka-connect sa device mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis.

  • Streaming quality na naka-set sa High.

Mga Kaugnay na Article