Kailan nagre-release ng mga bagong TV show at pelikula ang Netflix?

Ang mga original na TV show at pelikula ng Netflix ay karaniwang nire-release sa buong mundo pagdating ng 12:00 a.m. Pacific Time.

  • Makikita mo ang mga title na ito dahil sa pulang “N” sa artwork ng title. Puwede mo ring i-search ang “Netflix” para makita ang lahat ng ito, o puwede kang pumunta sa netflix.com/originals.

Ilang title ng Netflix ang itinuturing na original sa isang bansa pero hindi sa iba. Sa ganitong sitwasyon, karaniwang sinusunod ng title ang schedule na ito:

  • Ang Title ay isang original sa bansa mo (may pulang "N" sa artwork ng title): available nang 12:00 a.m. Pacific Time

  • Ang Title ay hindi isang original sa bansa mo: available nang 12:00 a.m. sa lokal na oras

    Paalala:
    Posibleng mag-iba-iba ito para sa mga episode na nire-release kada linggo o iyong sumusunod sa original broadcast airing ng mga ito.

Baka kailangan mong i-refresh ang browser mo, i-reload ang Netflix app, o i-restart ang device mo at buksan ulit ang Netflix para mapanood ang isang bagong release na title.

Kahit walang naka-set na schedule, palagi kaming nag-a-add ng mga bagong title para ma-enjoy ng mga member namin.

Kung hindi mo makita ang isang title na available na dapat, tingnan ang Hindi makita ang isang TV show o pelikula.

Mga Kaugnay na Article