Paano gamitin ang 'Mga Download para sa Iyo'

Para siguradong lagi kang may mapapanood offline, gamitin ang Mga Downloads para sa Iyo. Automatic na nagda-download ang Mga Download para sa Iyo ng mga TV show at pelikula na sa tingin namin ay magugustuhan mo sa Android phone o tablet, iPhone o iPad mo.

Hindi available ang feature na Mga Download para sa Iyo sa mga plan ng Netflix na may ads.

Para i-on o i-off ang Mga Download para sa Iyo:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Settings ng App.

  5. Sa Mga Download, i-tap ang Mga Smart Download.

  6. I-toggle ang switch sa tabi ng Mga Download para sa Iyo para i-on o i-off ang setting.

  7. Kapag naka-on ang Mga Download para sa Iyo, gamitin ang mga button na at para i-adjust ang storage (GB) amount na ida-download para sa bawat profile.

Ang Mga Download para sa Iyo:

  • Ay available sa mga iPhone, iPad, at Android phone at tablet na may pinakabagong version ng Netflix app.

  • Gumagana kapag naka-connect ka sa Wi-Fi, kaya hindi magagamit ang cellular data mo.

  • Ay optional. Puwede mo itong i-on o i-off kahit kailan sa settings mo ng Mga Smart Download.

Kung hindi automatic na nada-download ang mga TV show at pelikula, siguraduhing:

  1. Naka-on ang Mga Download para sa Iyo.

  2. Naka-connect sa Wi-Fi ang device mo.

  3. May available na storage space sa device mo.

Mga Kaugnay na Article