Netflix Error C7361-1253

Kung nakikita mo ang error code na C7361-1253 sa Google Chromebook o Chromebox mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa content na sinusubukan mong panoorin. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Tingnan kung gumagana ang ibang TV show o pelikula

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

I-shut down ang computer mo

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.

    • Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.

    • Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Gumagamit ka ba ng Bluetooth?

Kung gumagamit ka ng Bluetooth speaker o headset:

  1. I-disconnect ito sa device mo.

  2. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article