Dalawang beses siningil ng Netflix

May iba't ibang dahilan kung bakit ka posibleng makakita ng hindi lang isang singil para sa Netflix sa bill mo:

Kung nagdagdag ka ng paraan ng pagbabayad nito lang at hindi lang isang singil ang nakikita mo para sa iisang araw, malamang na authorization hold ang isa sa mga singil.

Ginagamit ang mga authorization hold para subukan kung maayos ang paraan ng pagbabayad.

  • Hinding-hindi kukunin ng Netflix ang halaga ng authorization.

  • Automatic itong aalisin, karaniwang sa loob ng 8 araw o mas mabilis pa. Makipag-ugnayan sa bangko mo para i-confirm kung kailan ibabalik ang pera sa available mong balanse.

Kung lumipat ka nito lang sa mas mahal na plan, kaagad na magkakabisa ang pagpapalit ng plan para ma-enjoy mo ang lahat ng dagdag na feature. Posibleng magbago ang billing date mo batay sa natitirang balance ng huli mong pagbabayad, o baka singilin ka ng naka-prorate na halaga at makakita ka ng maraming singil sa iisang buwan.

Kung wala sa mga nabanggit na dahilan ang naaangkop at hindi lang isang singil ng Netflix ang nakikita mo, makipag-ugnayan sa amin.


Hindi ba ito ang hinahanap mo? Tingnan din ang Mga hindi alam o hindi authorized na singil mula sa Netflix< o Siningil pagkatapos mag-cancel ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article