Paano mag-on at mag-off ng mga notification ng game

Ang ilang Netflix games ay gumagamit ng mga push notification para sa mga game updates at reminders. Para i-on o i-off ang mga notification na ito, sundin ang instructions para sa device mo:

iPhone, iPad, at iPod touch

  1. Buksan ang Settings app sa device mo.

  2. I-tap ang Notifications.

  3. Mag-scroll pababa at piliin ang game app. 

  4. I-toggle ang Allow Notification button para i-off ang mga ito.

Mga Android phone at tablet

  1. Buksan ang Settings app sa device mo.

  2. I-tap ang Notifications > App Settings 

  3. Sa Most recent dropdown, hanapin ang mga app na kakapadala lang sa iyo ng mga notification. Para mahanap ang mas maraming app, sa dropdown menu, i-tap ang All apps.

  4. Piliin ang game app at i-tap para i-on o i-off ang mga notification 

Paalala:
Baka magkakaiba ang steps na ito depende sa Android version o manufacturer ng device. Kung hindi mo matapos ang steps sa itaas, pumunta sa website ng manufacturer ng Android device mo o gamitin itong reference sa help page ng Google para sa higit na tulong.

Para sa mga notification mula sa Netflix app, tingnan ang Paano mag-on o mag-off ng mga notification.

Mga Kaugnay na Article