Paano mag-on at mag-off ng mga notification ng Netflix app

Puwede mong piliin kung makakatanggap ka o hindi ng mga notification mula sa Netflix tungkol sa mga TV show at pelikula, mungkahing title, at iba pang paksa. Para i-on o i-off ang mga notification, sundin ang instructions para sa mobile device mo.

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang Notifications.

  3. Hanapin at i-tap ang Netflix.

  4. I-on o i-off ang switch ng Allow Notifications.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Settings ng App.

  5. Sa tabi ng Allow Notifications, i-on o i-off ang switch.

Puwede mong piliin ang mga uri ng push notification na natatanggap mo mula sa Netflix para sa bawat pangmatandang profile.

  1. Sa browser, ilagay ang profile na gusto mong i-update ang settings ng notification.

  2. Pumunta sa Account page.

  3. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  4. Piliin ang Settings ng notification.

  5. Piliin ang I-manage ang Push Notifications.

  6. Mag-opt in o mag-opt out sa pamamagitan ng pag-toggle ng mga sumusunod na kategorya para sa bawat profile:

    • Ano ang pinapanood mo: Mga bagong season at episode, Malapit nang Mawala, Mga Collection Mo

    • Mga rekomendasyon sa papanoorin at higit pa: Top 10, Mga dagong dagdag, nasa Netflix na

    • Mga imbitasyon sa survey at research: Mga participation study, survey

    • Netflix Games: Mga release, rekomendasyon, activity sa gameplay

    • Netflix.Shop at mga experience: Mga produkto sa Netflix.Shop, mga Netflix live experience

    • Paggamit ng Netflix app: Mga suggested na feature, tips at tricks, mga kontrol ng magulang

    • Mga offer sa membership: Mga upgrade ng plan, promo sa subscription

    • Mga update sa account: Mga security alert, billing, time-sensitive na notification


Puwede ka ring Mag-unsubscribe sa Lahat.

Mga Kaugnay na Article