Bakit baligtad ang pagkakasunod-sunod ng ilang episode o season?

Bagama't nagsisimula ang karamihan ng mga TV show sa Netflix sa unang episode at season, baligtad ang mga season sa ilang title, kaya sa huling season ka magsisimulang manood. Ginagawa ito para sa mga series na may mga independent na season o sa mga series kung saan hindi kailangang napanood mo ang mga naunang season para ma-enjoy ang pinakabago.

Kung gusto mong magsimula sa unang season, pumunta sa Mga episode at higit pa o Mga Episode at Impormasyon sa isang partikular na title pagkatapos ay piliin ang Season 1.

Kapag tapos mo na ang unang season ng isang TV show na baligtad ang pagkakasunod-sunod, kakailanganin mong mano-manong piliin ang susunod na season na gusto mong panoorin dahil posibleng magbago ang default na pagkakasunod-sunod.

Sa ilang TV show na baligtad ang pagkakasunod-sunod ng mga season, lalaktawan din ang mga episode na napanood mo na sa season. Puwede mong simulan ulit ang mga episode na ito o alisin ang mga ito sa activity ng panonood mo para panoorin ulit ang mga iyon. 

Mga Kaugnay na Article