Sabi ng Netflix, 'Madaling hulaan o masyadong karaniwan ang password na ito.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Madaling hulaan o masyadong karaniwan ang password na ito.

Puwedeng magkaroon ng ganitong error kapag nagpapalit o nagre-reset ng password mo. Nangangahulugan ito na ang password na pinili mo ay nasa list ng mga compromised o karaniwang ginagamit na password na hindi namin pinapayagan para sa seguridad. Para ayusin ang error na ito, kakailanganin mong pumili ng ibang password.

Ang password mo ay dapat na:
  • Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app

  • May kahit man lang 8 character

  • Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo

  • Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)

Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.

Mga Kaugnay na Article