Netflix Error SSCR-S4010-2002-N

Hindi maka-connect sa target device.
SSCR-S4010-2002-N

Nangyayari ang error na ito kapag ang device kung saan ka nagka-cast ay hindi naka-sign in sa Netflix account, o kung wala ang device mo sa parehong Wi-Fi network ng Android phone o tablet mo.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Kakailanganin mong mag-sign in sa Netflix account mo sa Chromecast bago ka makakapag-cast doon.

  1. Buksan ang Netflix app sa Chromecast mo, pindutin ang Mag-sign in, at sundin ang instructions para mag-sign in.

  2. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix at i-tap ang cast icon .

  3. Sa lalabas na menu, i-tap ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Google Home app sa Android phone o tablet mo. Kung wala ka nito, makukuha mo ito mula sa Google Play Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, baka kailangan mo itong i-plug in o i-connect sa parehong network ng phone o tablet mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa ibang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Bunutin ang power source ng Chromecast mo nang 15 segundo.

  2. Ikabit ito ulit at hayaang mag-reboot ang Chromecast.

  3. Kapag naka-on na ulit ang Chromecast mo, subukan ulit ang Netflix.

Kakailanganin mong mag-sign in sa Netflix account mo sa TV o streaming device bago ka makakapag-cast doon.

  1. Buksan ang Netflix app sa TV o streaming device mo. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sundin ang steps na ito.

  2. Piliin ang Mag-sign in, at sundin ang instructions para mag-sign in.

  3. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix at i-tap ang cast icon .

  4. Sa lalabas na menu, i-tap ang device mo.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Illustration of a TV with a power button symbol, a power strip, and a 15-second timer, suggesting a restart device process

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article