Netflix Error NW-8-19

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] (na) segundo.
Code: NW-8-19

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa network mo na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix.

Para ayusin ang problema:

Illustration of a TV with a power button symbol, a power strip, and a 15-second timer, suggesting a restart device process

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa itaas ang menu: Hanapin ang profile icon mo sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen, piliin ang Kumuha ng Tulong, pagkatapos ay Mag-sign out, at Oo.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Pumunta sa ibaba ng screen, piliin ang Kumuha ng Tulong, pagkatapos ay Mag-sign out, at Oo.

  3. Mag-sign in ulit at subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Piliin ang Higit Pang Detalye.

  2. Piliin ang Mag-sign out o I-reset.

  3. Mag-sign in ulit at subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Tandaan: Kung may Apple TV ka, sundin na lang ang steps na ito para mag-sign out.

Mga Kaugnay na Article