Netflix Error NSES-404

Puwede mong makita ang error code na NSES-404 na may ganitong message:

Naliligaw ka ba?
Pasensya na, hindi namin mahanap ang page na iyon. Marami kang makikitang puwedeng i-explore sa home page.
Error Code NSES-404

Ang karaniwang ibig sabihin ng error na ito ay may isyu sa web browser o email app mo na pumipigil sa page na mag-load, o hindi nag-e-exist ang page na sinusubukan mong puntahan.

Para ayusin ang problema:

Pumunta sa Netflix.com gamit ang address bar

Kung karaniwan kang gumagamit ng bookmark para pumunta sa Netflix, subukan na lang na i-type ang www.netflix.com sa address bar ng browser mo. Kung naayos nito ang problema mo, gawing www.netflix.com ang URL ng bookmark mo para maiwasan ang mga problema sa hinaharap.

I-update ang web browser mo

Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.

I-clear ang cookie ng Netflix

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-on ang cookies sa browser mo

Chrome
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng Chrome, i-click ang MenuChrome Menu Icon, pagkatapos ay i-click ang Settings.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Privacy and security.

  3. I-click ang Third-party cookies.

  4. Siguraduhing naka-on ang setting para sa Allow third-party cookies.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Microsoft Edge
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Settings and more settings at iba pa.

  2. I-click ang Settings.

  3. I-click ang Cookies and site permissions.

  4. I-click ang Manage and delete cookies and site data.

  5. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save and read cookie data (recommended).

Firefox

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button ng menu, at i-click ang Settings.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Privacy & Security.

  3. Mag-scroll pababa sa History. Sa tabi ng Firefox will, i-click ang drop-down menu.

  4. Piliin ang Remember history, at i-click ang Restart Firefox now.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Opera
  1. Piliin ang Menu sa kaliwang sulok sa itaas ng browser mo.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Mag-scroll pababa hanggang sa makita mo ang Cookies.

  4. Siguraduhing pinili ang option na Allow local data to be set (recommended).

  5. Isara ang tab na Settings para ma-save ang bago mong settings.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Safari

  1. Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Safari.

  2. I-click ang Settings, pagkatapos ay i-click ang Advanced.

  3. Siguraduhing walang check ang Block all cookies.

  4. Isara ang window, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

I-off ang mga browser extension

Chrome

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:
    Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.
  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

Edge

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Safari

  1. Piliin ang Safari sa kaliwang sulok sa itaas ng browser.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Piliin ang tab na Extensions sa menu bar sa itaas.

  4. Alisan ng check ang kahon sa tabi ng bawat extension para i-disable ito.

  5. Isara ang window na Extensions.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Firefox

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu button ng menu.

  2. I-click ang Add-ons and themes, tapos, i-click ang Extensions.

  3. Sa Enabled, i-click ang button sa tabi ng bawat extension para i-disable ito.

  4. Isara at buksan ulit ang Firefox, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Sumubok ng ibang web browser

Kung sinusubukan mong i-reset ang password mo sa email, subukang gumamit ng ibang web browser, at sundin ang steps para i-reset ulit ang password mo.

Kung ia-access mo ang email mo gamit ang isang app sa phone o tablet mo, subukang gumamit ng web browser para buksan na lang ang password reset email.

Kung hindi gumana ang steps na ito o makita mo ulit ang error na ito, posibleng may ibang problema. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article