Netflix Error tvq-st-149
Baka nakatanggap ka ng error code na tvq-st-149 na may ganitong message:
Hindi maka-connect sa Netflix.
Pakisubukan ulit o pumunta sa: www.netflix.com/help
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pagsimula ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button
sa remote mo para pumunta sa menu.
Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.
Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung nasa error screen ang device mo:
Piliin ang Higit Pang Detalye.
Piliin ang Mag-sign out o I-reset.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:
Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.
Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.