Mga Apela sa Pag-moderate ng Games
Naglalapat kami ng mga sanction sa mga account para magpanatili ng magalang at pataas na kapaligiran para sa lahat ng player ayon sa naka-outline sa Community Guidelines namin. Para mag-validate ng na-report na kilos, sumusunod ang moderation team namin ng mga partikular na proseso ng pag-review bago umaksyon sa isang account:
Manual na nire-review ng mga tao na moderator ang pagkilos ng player at mga na-submit na report.
Binabase namin ang lahat ng akyon sa mga na-verify na paglabag sa Community Guidelines.
Hindi kami dumedepende lang sa mga automated na system para maglapat ng mga sanction sa mga player.
Sinusuri namin ang mismong pagkilos ng player. Ang mga sanction ay batay sa mga na-verify na paglabag, hindi ang dami ng natanggap na report.
Kahit na karamihan ng mga aksyong ginagawa namin sa mga account ay mga babala o pansamantalang pagsuspinde, nagreresulta sa mga permanenteng ban ang ilang paglabag. Kung nakatanggap ng sanction ang account mo, maaari kang mag-submit ng formal na apela para sa review.
Lubos naming inirerekomenda na hindi mo palitan ang game handle mo pagkatapos makatanggap ng sanction. Kung i-update mo ang handle mo, maaaring hindi namin maproseso ang apela mo.
Paano Mag-submit ng Apela
Sundin ang instructions nakikita sa mga help article para sa partikular na game mo (hal. Squid Game: Unleashed), kung available.
Ilagay ang game handle mo at mga detalye ng account.
Piliin ang partikular na sanction at dahilan kung bakit ka nag-a-apela.
I-submit ang form.
Bilang alternatibo, makipag-ugnayan sa Games Support ng Netflix nang may kinakailangang impormasyon.
Mga Requirement sa Apela
Kapag nagre-request ng apela, kakailanganin mong i-share ang sumusunod:
Requirement | Description |
Game Handle | Ang eksaktong in-game handle mo. |
Petsa ng Sanction | Ang petsa kung kailangan nalapat ang penalty. |
Uri ng Sanction | Ang partikular na penalty na natanggap (hal.7-raw na pagsuspinde). |
Dahilan ng Apela | Kung bakit dapat ibaliktad ang sanction, sa tingin mo. |
Anong Dapat Asahan
Nire-review ng moderation team ang katibayang nauugnay sa bawat na-submit na apela.
Timeline: Nilalayon naming kumpletuhin ang karamihan ng mga review sa loob ng 3 araw ng negosyo.
Notification: Kokontakin ka namin para sa outcome sa pamamagitan ng email address na nasa file para sa account mo.
Paghahanap ng Mga Detalye ng Sanction
Para sa mga detalye ng aksyong ginawa sa account mo, tingnan ang mga in-game message o email ng account mo. Ang lahat ng detalye ay nakalagay sa mga message na iyon dahil walang higit pang impormasyon ang support team namin tungkol sa mga ginawang aksyon, at hindi sila makakasagot ng mga indibidwal na tanong tungkol sa mga ito.
Patakaran sa Apela
Limitasyon ng Review: Ire-review namin ang isang apela para sa bawat sanction para siguraduhing may pantay-pantay na pagkakataon para sa review ang bawat player.
Final na Mga Desisyon: Para panatilihin ang integridad ng aming community standards, final ang lahat ng review ng apela. Hindi kami nagbibigay ng follow-up na komunikasyon o higit pang review kapag naglabas na ng desisyon.