Netflix Error 1000
Kung nakikita mo ang error error code na 1000 sa iPhone, iPad, o iPod touch mo, na madalas na may ganitong message:
May problema sa pag-play ng pelikulang ito. Mag-log out at pagkatapos ay mag-log in ulit. Kung may problema pa rin, makipag-ugnayan sa customer service ng Netflix.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.
Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.
Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.
Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.