Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.'

Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa network connection na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix. Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan: Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article