Squid Game: Unleashed - Game Support

Squid Game: Unleashed

May nananalo, may namamatay. Gamitin ang skill at killer instinct para makaligtas sa brutal na kompetisyon sa multiplayer action game na ito na inspired ng hit series.

I-download sa mobile device mo

Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone at iPad

Game category: Aksyon

Bilang ng players: Multiplayer

Offline play: Wala

Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game

Mga wika: English (US), Chinese (Traditional), French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Spanish (Latin America), Spanish (Spain), Turkish, Indonesian

Developer: Boss Fight Entertainment

Mga Requirement

Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Compatible na device:

    • Android phone o tablet na gumagamit ng Android 14 o mas bago

    • iPhone na may iOS 16 o mas bago

    • iPad na may iPadOS 16 o mas bago

    • 2 GB na RAM

  • Active na Netflix membership

    Note: Ang mga player na walang Netflix membership (mga hindi member), ay makakapaglaro ng Squid Game: Unleashed sa loob ng limitadong panahon simula December 17, 2024 (December 13 para sa mga customer sa Canada at Mexico). Sa kasalukuyan, walang petsa ng pagtatapos sa access period, pero lilimitahan ito para sa mga player na walang Netflix membership.

  • Internet connection para ma-download, ma-install, at malaro ang game

  • Sapat na storage space sa device mo

Pag-install

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at tab na Mga Game sa ibaba.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.

    Paalala: Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game o ang tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!

    Paalala: Ang mga player na walang Netflix membership ay automatic na magkakaroon ng game handle kapag nag-sign up sila, pero puwede itong baguhin sa ibang pagkakataon sa game app.


Mula sa Play Store

Puwede mo ring i-search ang game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!

    Paalala: Ang mga player na walang Netflix membership ay automatic na magkakaroon ng game handle kapag nag-sign up sila, pero puwede itong baguhin sa ibang pagkakataon sa game app.


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game .

    Paalala: Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka.

    Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o ang Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at i-tap ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mobile Games sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!

    Paalala: Ang mga player na walang Netflix membership ay automatic na magkakaroon ng game handle kapag nag-sign up sila, pero puwede itong baguhin sa ibang pagkakataon sa game app.


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Hindi ka ba makausad sa game? Nagtataka ka ba kung paano paganahin ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa in-game settings? Makikita ritoang sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa gameplay.

Nagkakaproblema ka ba sa game? Tingnan ang aming support site para sa solusyon sa mga karaniwang problema o kung kailangan mo pa ng tulong.

Puwede mong i-report ang mga player na gumagamit ng cheat o exploit sa game sa aming support site.

Hindi makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Mobile Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa aminkahit kailan.

Mga Kaugnay na Article