Mag-redeem ng promotion sa Netflix

Nakikipag-partner ang Netflix sa iba't ibang kumpanya para magbigay ng mga special promotional offer sa mga customer nila.

Kung promo redemption link ang natanggap mo mula sa partner sa halip na code, sundin ang instructions sa pag-redeem na ibibigay ng partner.

Kung promo code ang natanggap mo, pumunta sa netflix.com/redeem at ilagay ang code para makapagsimula (posibleng may ilan pang ibang paghihigpit ang ilang promotional offer mula sa mga third party).

  • Kung bago ka sa Netflix, mapo-prompt kang gumawa ng bagong Netflix account sa tab na Gumawa ng Bagong Account.

  • Kung dati ka nang Netflix customer pero hindi ka naka-sign in sa account mo, mapo-prompt kang mag-sign in sa tab na Member Na?

Mga tanong tungkol sa mga promotion sa Netflix

Kung promo redemption link o URL ang natanggap mo mula sa partner sa halip na code, sundin ang instructions sa pag-redeem na ibibigay ng partner.

Kung promo code ang natanggap mo, pumunta sa netflix.com/redeem at ilagay ang code para makapagsimula (posibleng may ilan pang ibang paghihigpit ang ilang promotional offer mula sa mga third party). Kung bago ka sa Netflix, mapo-prompt kang gumawa ng bagong Netflix account sa tab na Gumawa ng Bagong Account. Kung dati ka nang Netflix customer pero hindi ka naka-sign in sa account mo, mapo-prompt kang mag-sign in sa tab naMember Na?

Hindi puwedeng gumamit ng mga promotional offer sa account na sinisingil sa Apple. Para mag-redeem ng promotion, kailangan mong i-cancel ang Netflix account mo at pagkatapos ay i-redeem ang promotion mo kapag natapos na ang kasalukuyang subscription mo.

Puwede ka lang mag-redeem ng mga promotional offer mula sa bansa kung saan ka nag-sign up o unang sumali ulit sa Netflix. Kung susubukan mong mag-redeem ng promotional offer mula sa ibang bansa, posibleng may makita kang error message.

Para i-confirm na na-apply na ang promotional offer mo, tingnan ang Membership page mo.

Tandaan: Posibleng kailanganin mong i-refresh ang page mo para lumas ang value.

Para tingnan ang balance ng promotional offer mo, puwede mong Tingnan ang history ng pagbabayad sa account mo.

Ina-apply ang promotional offer sa account bilang pera. Kung ia-upgrade o ida-downgrade mo ang plan mo, makaapekto ito sa kung gaano kabilis mauubos ang promotional balance.

Hindi, hindi automatic na mapapalitan ang plan sa kasalukuyan mong account kapag nag-redeem ng promotional offer,

May redemption expiration date ang ilang promotion, kaya pinakamabuti kung ire-redeem ang mga ito kaagad.

Kung wala kang ibang paraan ng pagbabayad sa account mo, automatic na matatapos ang membership mo. Kung naglagay ka ng paraan ng pagbabayad sa account mo sa panahon ng promotion, puwede mong patuloy na gamitin ang Netflix at sisingilin ka namin nang isang beses kada buwan hanggang sa i-cancel mo ang account mo.

Makakanood ka ng mga pelikula at TV show hangga't mayroon ka pang promotional balance. Bibigyan ka namin ng paalala kapag paubos na ang promotional balance mo. Kapag naubos na ang balance, kailangan mong maglagay ng gift card o paraan ng pagbabayad sa account mo para patuloy na magamit ang Netflix. Baka makaapekto ito sa billing date mo, na makikita sa page mo na History ng Pagbabayad.

Puwede mong i-cancel ang account mo kahit kailan at patuloy na gamitin ang Netflix hanggang maubos ang balance para sa promotion.

Hindi. Hindi puwedeng i-refund ang mga promotional offer.

Oo. Kailangang mas malaki ang value ng promotional offer kaysa sa kasalukuyang buwanang singil.

Hindi ka puwedeng mag-redeem ng promotional offer kung naka-link ang account mo sa package na may Netflix. Puwede mong i-apply ang promotional offer na ito sa bago o ibang Netflix account.

Hindi puwedeng mag-redeem ng mga promotional offer ang mga extra member. Puwedeng i-redeem ang mga ito sa bago o ibang Netflix account.

Pag-troubleshoot

Kung may nakikita kang error message kapag sinusubukan mong i-redeem ang promotion mo, pumunta sa isa sa mga sumusunod na article:

Hindi ba ito ang hinahanap mo? Tingnan ang article namin tungkol sa Mga Gift Card sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article