Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-116)'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. Kung may problema pa rin, pumunta sa website ng Netflix (-116).

Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Kung pipindutin mo ang OK sa error message, baka ma-sign out ka sa device mo at dalhin ka sa sign in page. Kapag nangyari ito, mag-sign in ulit gamit ang parehong account at subukang manood ng ibang TV show o pelikula. Kung lumitaw ulit ang error message na ito, ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article