Paano gamitin ang Netflix.com Player

Magagamit mo ang Netflix.com Player para manood ng mga TV show at pelikula sa pinakabagong version ng mga browser na Chrome, Edge, Firefox, Opera, at Safari sa Windows at Mac. Tingnan ang system requirements namin para sa karagdagang detalye.

  • Navigation:

    • Mag-browse sa mga row ng mga movie poster: Ang main page ng Netflix.com page ay nag-o-offer ng iba't ibang pelikula at TV show batay sa kung ano ang sikat at sa mga preferences mo. Puwede kang mag-browse ng mga genre sa drop-down menu na "Panoorin Agad."

    • Mag-search: Maghanap ng mga title ng pelikula o TV show, actor, director, o genre sa search box na nasa kanang sulok sa itaas ng menu bar ng Netflix.com.

    • Mga page ng pelikula o TV show: Itapat ang cursor mo sa poster ng pelikula o TV show para makita ang window na may impormasyong gaya ng maikling synopsis, mga taon ng production, o maturity rating. Para sa buong paglalarawan, i-click ang title sa loob ng window.

  • Playback: I-click ang poster para i-play ang pelikula o TV show.

    • Habang nasa video playback, gamitin ang scroll bar sa ibaba ng player screen para mag-fast forward, mag-rewind, o tumingin ng higit pang option.

    • Para mag-exit sa video playback, piliin ang back button sa kaliwang sulok sa itaas ng screen mo.

Paalala:
Kung hindi nakikita sa screen mo ang scrollbar o back button, igalaw ang cursor mo hanggang sa lumabas ang mga ito.
  • Mga Supported na Rehiyon: Gumagana ang Netflix sa mga web browser sa lahat ng rehiyon kung saan available ang Netflix.

  • Resolution:

    • Google Chrome

      • Hanggang 720p sa Windows, Mac, at Linux

      • Hanggang 1080p sa Chrome OS

    • Microsoft Edge hanggang 4K*

    • Mozilla Firefox hanggang 720p

    • Opera hanggang 720p

    • Safari hanggang 1080p sa macOS 10.11 hanggang 10.15

    • Safari hanggang 4K sa macOS 11.0 o mas bago

  • Mga subtitle at alternate audio: Piliin ang icon na Audio at mga Subtitle para pumili ng alternate language track o para i-on ang mga subtitle kung ino-offer ang mga ito ng pelikula o TV show.

Paalala:
 Baka gumana pa rin ang ilang hindi supported na browser, pero hindi namin magagarantiya ang Netflix experience sa mga iyon.

Mga Kaugnay na Article