Mga supported browser at system requirement ng Netflix

Puwede kang gumawa ng account at manood ng Netflix gamit ang isa sa mga web browser na nasa ibaba sa computer, iPad, o Meta Quest headset mo.

Mga supported na web browser

Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign up, pag-sign in, o sa panonood ng Netflix at ginagamit mo ang isa sa mga web browser na nakalista sa itaas, posibleng kailangan mong i-update ang computer, mobile device, o browser mo para matugunan ang mga system at browser requirement ng Netflix (tingnan sa ibaba).

Mga system at browser version requirement

Piliin ang device mo para makita ang mga minimum requirement sa panonood ng Netflix.

Para makapanood ng Netflix, kailangang naka-install sa Windows computer mo ang Windows 10 o Windows 11.

Posible pa ring gumana ang mga computer na may Windows 7, 8, o 8.1, pero magpe-play lang ang Netflix sa Standard Definition (SD) video quality.

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Edge

118 o mas bago

Hanggang Ultra HD (2160p)*

Chrome

117 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Firefox

111 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Opera

92 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

*Available lang ang Ultra HD (2160p) sa mga Windows computer na natutugunan ang mga Ultra HD requirement na ito.

Para makapanood sa Netflix, kailangang naka-install sa Mac computer mo ang macOS 10.15.5 o mas bago. Alamin kung paano i-update ang Mac mo.

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Safari

14 o mas bago

Hanggang Ultra HD (2160p)

Chrome

116 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Edge

118 o mas bago

Hanggang HD (720p)

Firefox

111 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Opera

92 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Mga karagdagang requirement

  • Para magamit ang Safari 14, kailangang nasa macOS 11 o mas bago ang Mac mo.

  • Para makapanood ng mga live event sa Netflix, kailangan ng Safari 15 o mas bago.

  • Para makapanood sa Ultra HD, kailangang nasa macOS 11 o mas bago ang Mac mo at natutugunan dapat nito ang mga Ultra HD requirement na ito. (Magpe-play hanggang sa Full HD ang mga Mac computer na may macOS 10.15.)

Para makapanood ng Netflix, kailangang naka-install sa Chromebook mo ang ChromeOS 76 o mas bago.

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Chrome

116 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Para makapanood ng Netflix, kailangang naka-install sa iPad mo ang iPadOS 14 o mas bago.

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Safari

14 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Mga karagdagang requirement

Para makapanood ng mga live event sa Netflix, kailangan ng Safari 15 o mas bago.

Puwede kang manood ng Netflix gamit ang Meta Quest Browser sa headsets na ito:

  • Meta Quest 2

  • Meta Quest Pro

  • Meta Quest 3

  • Meta Quest 3S

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Meta Quest Browser

32 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Puwede kang manood ng Netflix sa ilang computer na may GNU/Linux operating systems (OS).

Dahil sa maraming configuration ng Linux, hindi namin matitiyak na gagana ang Netflix sa mga device na may Linux OS at posibleng magkaproblema ito. Hindi makakatulong ang Customer Support ng Netflix sa pag-troubleshoot ng mga device na may Linux OS.

Ang browser version mo ay kailangang:

Pangalan ng web browser

Pinakamababang version na kailangan

Pinakamataas na video resolution

Chrome

116 o mas bago

Hanggang HD (720p)

Firefox

111 o mas bago

Hanggang HD (720p)

Edge

118 o mas bago

Hanggang HD (720p)

Opera

92 o mas bago

Hanggang Full HD (1080p)

Mga Kaugnay na Article