Paano i-manage ang email mula sa Netflix

Puwede mong piliin ang mga uri ng email na natatanggap mo mula sa Netflix para sa bawat pangmatandang profile.

  1. Gamit ang browser, mag-sign in sa profile na gusto mong i-update ang settings ng notification.

  2. Pumunta sa Account page.

  3. Piliin ang Mga Profile, at piliin ang profile mo.

  4. Piliin ang Settings ng notification.

  5. Piliin ang I-manage ang mga Email.

  6. Mag-opt in o mag-opt out sa pamamagitan ng pag-toggle ng mga sumusunod na kategorya para sa bawat profile na may email address:

    • Ano ang pinapanood mo: Mga bagong season at episode, Malapit nang Mawala, Mga Collection Mo

    • Mga rekomendasyon sa papanoorin at higit pa: Top 10, Mga bagong dagdag, nasa Netflix na

    • Mga imbitasyon sa survey at research: Mga participation study, survey

    • Netflix Games: Mga release, rekomendasyon, activity sa gameplay

    • Netflix.Shop at mga experience: Mga produkto sa Netflix.Shop, mga Netflix live experience

    • Paggamit ng Netflix app: Mga suggested na feature, tips at tricks, mga kontrol ng magulang

    • Mga offer sa membership: Mga upgrade ng plan, promo sa subscription

    • Report sa Pambatang Activity (available lang sa active na Pambatang profile): Isang report tungkol sa activity sa panonood at mga theme para sa mga Pambatang profile mo


Puwede ka ring Mag-unsubscribe sa Lahat o mag-opt out sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions.

Paalala:Hindi ka puwedeng mag-unsubscribe sa mga message na nauugnay sa mga update sa account mo (halimbawa, mga alertong panseguridad, billing, o time-sensitive na notification).

Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.

Mga Kaugnay na Article