Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, nagkaproblema kami sa pag-log in sa iyo. Hindi Pinayagan ang Request: Hindi Authorized (401).'
Kung may nakikita kang error na nagsasabing
Pasensya na, nagkaproblema kami sa pag-log in sa iyo. Hindi Pinayagan ang Request: Hindi Authorized (401).'
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa pag-connect sa software o Internet na pumipigil sa Apple TV 4 o Apple TV 4K mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-delete ang Netflix
Sa home screen ng Apple TV, i-highlight ang Netflix app.
Pindutin nang matagal ang gitna ng touch surface o clickpad ng remote mo hanggang sa mag-wiggle ang Netflix app.
Pindutin ang Play/Pause button para i-delete ang app.
Piliin ang Delete para i-confirm.
I-reinstall ang Netflix
Sa home screen ng Apple TV, buksan ang App Store.
I-search ang "Netflix" para hanapin ang app, at piliin ang Install.
Subukan ulit ang Netflix.