Makipag-ugnayan sa amin mula sa Netflix app

Para makipag-ugnayan sa Customer Service ng Netflix sa pamamagitan ng Netflix app, kailangan mong i-download ang app sa iPhone, iPad, o Android smartphone o tablet mo. Para makatawag mula sa Netflix app, kailangan ng stable internet connection na gumagamit ng Wi-Fi o cellular data.

I-set up ang app

Sundin ang aming steps sa pag-setup para i-download ang app sa iPhone, iPad, o iPod touch mo.

Sundin ang aming steps sa pag-setup para i-download ang app sa Android phone o tablet mo.

Makipag-ugnayan sa Netflix mula sa app

Kung isa kang Netflix member, mag-sign in sa Netflix app at sundin ang steps na ito:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .

  3. I-tap ang Help .

  4. I-tap ang button na Tumawag o Mag-chat .

Kung hindi ka member ng Netflix, buksan ang Netflix app at sundin ang steps na ito:

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Help.

  2. I-tap ang button na Tumawag o Mag-chat .

Libreng tumawag mula sa Netflix app kapag naka-connect sa Wi-Fi o cellular data network, nang walang long distance na gastos. Posibleng may mga singil sa data sa cellular connection, depende sa provider mo.

Mga Kaugnay na Article