Paano i-report ang ibang player sa Netflix games

Gusto naming magsaya at maglaro nang patas ang lahat. Kung may makikita kang lumalabag sa rules ng Community Guidelines namin, ganito ipaalam sa amin.

Direktang mag-report sa game

  1. Piliin ang player: Piliin ang player na gusto mong i-report.

  2. I-tap o i-click ang button na I-report: Habang naglalaro ka, hanapin ang button na I-report. Karaniwang nasa profile ng player o menu ng game ito.

  3. Sabihin sa amin ang nangyari: Piliin ang dahilan para sa report, o ikuwento ito sa amin.

  4. I-submit: Pindutin ang I-submit para ipadala ang report.

Makipag-ugnayan sa amin

Kung hindi ka maka-report sa game, puwede kang magpadala ng report sa support site ng game.

  1. Tandaan ang game handle ng player: Isulat ang pangalan na ginagamit niya sa game.

  2. Makipag-ugnayan sa amin: Piliin ang game na nilalaro mo at magpadala ng report sa aming Player Suppor team.

  3. Magbigay ng mga detalye: Sabihin sa amin ang game handle, ang pangalan ng game, at kung anong nangyari.

Salamat sa pagtulong sa aming panatilihing ligtas at masaya ang game para sa lahat!

Mga Kaugnay na Article