Sabi ng Netflix, 'Kailangan ng update ng app.'

Kung may nakikita kang error message kapag sinusubukan mong manood ng livestream na nagsasabing:

Kailangan ng update ng app. Una, siguraduhing up to date ang OS mo. Pagkatapos, i-update ang Netflix app mo at subukan ulit.

Ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang operating system o ang Netflix app sa device mo para makapanood ka ng mga Live event.

Sundin ang steps sa ibaba para parehong i-update:

Piliin ang uri ng device mo at sundin ang steps para i-update ang operating system mo.

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

Puwede mong i-update ang iPhone o iPad mo sa pinakabagong available na version ng iOS o iPadOS sa Settings app. Pumunta sa support site ng Apple para makuha ang eksaktong steps o para mag-troubleshoot ng isyu.

Piliin ang uri ng device mo at sundin ang steps para i-update ang Netflix app mo.

  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix page sa Play Store.

  2. I-tap ang I-update.

Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app mo.

Pag-troubleshoot

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article