Netflix Error 113

Kung makikita mo ang error code 113 sa Apple TV mo, na karaniwang kasama ang isa sa mga sumusunod na mensahe:

Pasensya na, nagkaproblema kami sa pag-log in sa iyo.

Hindi ma-verify ang pangalan o password ng Netflix account mo. Pakisubukan ulit. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa higit pang impormasyon.

Karaniwan itong nangangahulugang may isyu sa impormasyon mo sa pag-sign in. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

Siguraduhing tama ang email na ipinapakita sa TV mo. Kung hindi, i-click ang Previous para bumalik at ayusin ito.

Ilagay ulit ang password mo, at tandaan na case-sensitive ang mga password sa Netflix. I-click ang arrow sa screen para magpapalit-palit sa malalaki at maliliit na titik. I-click ang Show Password para makita ang password mo at i-confirm na tama ito.

Baka kailangan mong i-reset ang password mo. Pumunta sa Paano magpalit o mag-reset ng password mo para gawin ito.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-delete ang Netflix

  1. Sa home screen ng Apple TV, i-highlight ang Netflix app.

  2. Pindutin nang matagal ang gitna ng touch surface o clickpad ng remote mo hanggang sa mag-wiggle ang Netflix app.

  3. Pindutin ang Play/Pause button para i-delete ang app.

  4. Piliin ang Delete para i-confirm.

I-reinstall ang Netflix

  1. Sa home screen ng Apple TV, buksan ang App Store.

  2. I-search ang "Netflix" para hanapin ang app, at piliin ang Install.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System > Software Updates > Update Software.

  3. Kung available, piliin ang I-download at I-install. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng naiiba ang steps na ito para sa model ng Apple TV mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para i-update ang software ng Apple TV mo.

Buburahin ng steps na ito ang Apple TV mo, ire-reset ang naka-save mong settings, at iki-clear ang data na naka-store sa device mo, tulad ng Netflix login mo at pangalan at password ng Wi-Fi mo. Tiyaking mayroon ka ng impormasyong ito, at sundin lang ang steps na ito kung hindi pa nalutas ang isyung ito pagkatapos gawin ang ibang steps.

Para ayusin ang problema:

  1. Sundin ang steps ng Apple para i-reset o i-restore ang Apple TV mo sa factory settings nito.

  2. Pagkatapos i-reset ang Apple TV mo at kumpletuhin ang paunang setup, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article