Tungkol sa Mga Password Manager
Ang password manager ay isang app o online na serbisyong available sa karamihan ng mobile device at web browser. Hindi ito bahagi ng Netflix. Puwedeng gamitin ang mga password manager para secure na i-store ang impormasyon mo sa pag-log in, tulad ng mga email at password, at automatic na ilagay ang impormasyong iyon sa mga website o app na nagamit mo na dati. Dahil sa mga ito, makakatipid ka ng oras at matutulungan kang gumamit ng mga password na mahirap hulaan, pero puwede ring magdulot ng isyu sa pag-log in ang mga ito kung magpapalit ka ng password sa ibang lugar nang hindi ito ina-update sa password manager.
Mga karaniwang password manager
Nasa mobile device o computer mo ang karamihan ng karaniwang password manager:
Google Password Manager
Samsung Pass
Apple Passwords o iCloud Keychain
Available ang iba pang karaniwang password manager bilang online na serbisyo
1Password
LastPass
Paano i-update o i-delete ang mga naka-save na password (mga mobile device lang)
Kung pinalitan mo kamakailan ang email at/o password na ginagamit mo sa Netflix, kailangan mong i-update ang mga ito sa password manager mo. Sundin ang steps para sa password manager na ginagamit mo:
Kung mina-manage mo ang mga password mo sa Google:
Pumunta sa Settings at hanapin ang Password Manager
Sa Google Play services, i-tap ang Password Manager
Sa list, hanapin at i-tap ang Netflix. Posibleng kailangan mong ilagay ang screen lock mo
I-tap ang Delete para alisin, o Edit para i-update ang Netflix password mo
Subukan ulit ang Netflix
Kung gumagamit ka ng Samsung Pass:
Pumunta sa Settings, at i-tap ang Biometrics at security
I-tap ang Samsung Pass. Posibleng hilingin sa iyo na ilagay ang Samsung password mo
Sa IDs and passwords, i-tap ang Apps
Sa list, hanapin at i-tap ang Netflix
I-tap ang Delete, at i-tap ulit ang Delete para i-confirm
Kung gumagamit ka ng Passwords app o iCloud Keychain ng Apple:
Pumunta sa support site ng Apple para alamin kung paano mag-update o mag-alis ng naka-save na password sa iPhone o iPad mo.
Kung nagkakaproblema ka pa rin
Kung tama ang impormasyon sa pag-log in sa Netflix na naka-save sa password manager mo pero hindi ka pa rin makapag-sign in, pumunta sa Hindi makapag-sign in sa Netflix para humingi ng tulong.