Netflix Error UI-400
Kung nakikita mo ang error code na UI-400, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.
Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button
sa remote mo para pumunta sa menu.
Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.
Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung nasa error screen ang device mo:
Piliin ang Higit Pang Detalye.
Piliin ang Mag-sign out o I-reset.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:
Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.
Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.