Netflix Error -80

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. (-80)

Ang ibig sabihin ng error na ito ay may problema sa app data na naka-store sa device mo. Sundin ang steps para ayusin ang problema.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang Netflix page sa Play Store, tapos, i-tap ang I-update.

Puwede mo ring i-update ang Netflix app gamit ang steps na ito:

  1. Buksan ang Play Store app. Kung wala ka nito, baka kailangan mong mag-ayos ng isyu sa Play Store.

  2. Sa Search bar, i-type ang "Netflix."

  3. I-tap ang Netflix app sa list. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sa halip aysundin ang steps sa article na ito.

  4. I-tap ang I-update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Appstore.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu, at i-tap ang Mga Update sa App .

  3. Sa list, hanapin ang Netflix app at i-tap ang Update. Kung wala sa list ang Netflix app, up to date na ito.

  4. Kapag natapos na ang pag-update, i-tap ang Open at subukan ulit ang Netflix.

  1. Para pumunta sa Settings, mag-swipe pababa mula sa pinakataas ng screen.

  2. Piliin ang Applications.

  3. Piliin ang I-manage ang lahat ng Application.

  4. Piliin ang Netflix.

  5. Piliin ang Clear Data.

  6. Kapag na-clear na ang data, pindutin nang matagal ang Power button sa gilid ng tablet mo.

  7. Kapag nakita mo ang message na Do you want to shut down your Kindle? o Do you want to shut down your Fire?, i-tap ang Shut Down, Power Off, o OK.

  8. Kapag naka-power off na nang tuluyan ang device, pindutin nang matagal ang Power button hanggang sa makita mo ang logo ng Kindle o Amazon.

  9. Subukan ulit ang Netflix.

Para i-uninstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Home.

  2. Pumunta sa Netflix app, pagkatapos ay pindutin ang Options.

  3. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ulit ang Uninstall para i-confirm.

Para i-reinstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Netflix button.

  2. Piliin ang Download, pagkatapos ay piliin ang Open.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article