Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-62)'
Kung may nakikita kang message sa Android phone o tablet mo na nagsasabing
Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. (-62)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangan ng Netflix app ng update. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-update ang Netflix app
Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix page sa Play Store.
I-tap ang I-update.
Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app mo.
Pag-troubleshoot
Kung hindi mo mabuksan ang page, baka kailangan mong ayusin ang isang isyu sa Play Store.
Kung hindi mo mahanap ang Netflix app, sundin ang steps sa article na ito.