Sabi ng Netflix, 'Nagka-error sa pag-process ng request mo.'

Nagka-error sa pagpoproseso ng request mo.
Ang inilagay mong login information ay walang katugmang account sa records namin.

Karaniwang nangyayari ito kapag mali ang inilagay na email o password, o kapag kailangang i-refresh ang data na naka-store sa device mo.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing tama ang email na ipinapakita sa screen. Kung hindi, gamitin ang backspace para bumalik at ayusin ang anumang pagkakamali o typo.

  2. Ilagay ulit ang password mo. Tandaang case-sensitive ang mga password sa Netflix. Para magpalipat-lipat sa uppercase at lowercase, gamitin ang up arrow.

  3. Piliin ang Magpatuloy para subukan ulit ang Netflix.

Baka kailangan mong i-reset ang password mo. Pumunta sa Paano magpalit o mag-reset ng password mo para gawin ito.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Para i-reset ang app, sundin ang steps na ito sa kahit anong screen:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod:
    Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Piliin ang I-deactivate o Bumalik sa Simula.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi gumana ang nabanggit na steps o kung hindi ka pa rin makapag-sign in, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Mga Kaugnay na Article