Netflix Error tvq-pb-101 (E130)
Posibleng makita mo ang error code na tvq-pb-101 (E130) sa TV o TV streaming device mo na nagsasabing:
Hindi supported ng device na ito ang pag-stream ng title na ito.
Puwede mong panoorin ang title na ito sa karamihan ng mga mas bagong TV at TV streaming device..
Ibig sabihin nitong hindi ma-play ng device mo ang ilang partikular na title ng Netflix.
Hindi sinu-support ng ilang mas lumang device na kayang mag-play ng mga show at pelikula sa Netflix ang mga mas bagong feature, tulad ng pag-livestream o mga podcast. Ito ay dahil hindi na ma-update ang Netflix app o ang software ng device.
Para panoorin ang mga title na ito, gumamit ng mas bagong supported na device na kumo-connect sa TV mo.