Netflix Error S7363-1260-FFFFD1C1

Kung nakikita mo ang error code na S7363-1260-FFFFD1C1 sa Mac computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Hindi Inaasahang Error
Nagkaroon ng hindi inaasahang error. Paki-reload ang page at subukan ulit.

Dahil ito sa teknikal na limitasyon sa ilang mas lumang Mac computer. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

Isara ang mga media player

Isara ang mga media player tulad ng YouTube, iTunes, at QuickTime.

  1. Sa kaliwang sulok sa itaas ng screen, piliin ang Apple icon.

  2. Piliin ang Force Quit.

  3. Pumili ng kahit anong media player na gumagana pa rin at piliin ang Force Quit.

  4. I-quit ang Safari, pagkatapos ay i-restart ito.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

I-restart ang computer mo

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.

    • Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.

    • Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Kung may problema pa rin pagkatapos mong i-restart ang computer mo, o kung pansamantala lang itong nasosolusyunan, ipagpatuloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

Gumamit ng ibang browser o device

Para patuloy na manood ng Netflix, magbukas ng ibang browser o gumamit ng ibang device na supported ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article