Netflix Error 10016-22002

Kung nakikita mo ang error na ito sa iPhone, iPad, o iPod touch mo, na madalas na may ganitong message:

Nagkaproblema sa download na ito. (10016-22002)

Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang limitasyon sa dami ng mga download na puwedeng nasa device mo nang sabay-sabay. Puwede kang magkaroon ng hanggang 100 download sa isang device nang sabay-sabay.

Sundin ang steps sa ibaba para mag-delete ng ilang download at subukan ulit.

Mag-delete ng isang TV show o pelikula

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download, at pagkatapos ay mag-tap ng TV show o pelikula.

  2. Sa tabi ng episode o pelikula na may problema, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

I-delete lahat ng download

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  3. I-tap ang Settings ng App.

  4. I-tap ang I-delete ang Lahat ng Download, at i-tap ang I-delete.

Mga Kaugnay na Article