Sabi ng Netflix, 'Wala kang sapat na bakanteng space sa device na ito. (10014)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing

Wala kang sapat na bakanteng space sa device na ito. (10014)

Ang ibig sabihin nito ay wala kang sapat na storage space na available para ma-download ang gusto mong title. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mag-delete ng isang TV show o pelikula

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download, at i-tap ang isang TV show o pelikula.

  2. Sa tabi ng episode o pelikula na may problema, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

I-delete lahat ng download

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  3. I-tap ang Mga Setting ng App.

  4. I-tap ang I-delete ang Lahat ng Download, at i-tap ang I-delete.

Kung wala kang ibang na-download na title na naka-store sa device mo, o kung wala pa ring sapat na space kahit na inalis mo na ang lahat ng na-download na title, kakailanganin mong mag-alis ng iba pang naka-store na content sa device mo. Pumunta sa support website ng Apple para sa detalyadong instructions tungkol sa manu-manong pag-delete ng content.

Mga Kaugnay na Article