Sabi ng Netflix 'Pasensya na, hindi valid ang link na ito para sa pagpapalit ng password.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing:

Pasensya na, hindi valid ang link na ito para sa pagpapalit ng password.

Kadalasan, ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Kung pinadalhan mo ang sarili mo ng kahit anong email para i-reset ang password mo sa Netflix password, i-delete ang mga ito.

    Paalala:Siguraduhing i-delete ang mga email na ito sa inbox at trash folder mo.

  2. Kapag na-delete mo na ang mga email, pumunta sa netflix.com/clearcookies. Masa-sign out ka nito at maibabalik ka sa home page ng Netflix.

  3. Pumunta sa netflix.com/loginhelp.

  4. Ilagay ang email mo, pagkatapos ay piliin ang Magpatuloy.

  5. Bumalik sa email mo at sundin ang steps sa bagong password reset email ng Netflix.

Kung nagkakaproblema ka pa rin, gumamit ng ibang computer, smartphone, o tablet para ma-access ang email, pagkatapos ay i-click ang link. Kung wala sa mga option na ito ang makakaayos sa isyu, subukang gumamit ng ibang email address para sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article