Paano magdagdag ng mga device sa Netflix
Kung gusto mong gumamit ng bagong device, sundin ang steps sa ibaba:
Paggamit ng bagong device sa bahay:
Kung gusto mong gumamit ng bagong device, mag-sign in lang sa Netflix habang naka-connect sa home network mo.
Kung may nakikita kang error message ng Netflix para sa Tirahan kapag nagsa-sign in ka, baka kailangan mong i-update ang Tirahan para sa Netflix o gumawa ng bagong account.
Paggamit ng Netflix habang bumabiyahe:
Kung bumabiyahe ka o wala ka sa bahay at gusto mong gumamit ng bagong device:
Mag-sign in sa Netflix
Piliin ang buttong na Bumabiyahe Ako o Pansamantalang Manood.
Sundin ang steps para makatanggap ng on-time code para makumpirma naming ikaw ito, at pagkatapos ay makakasimula ka nang manood ng Netflix.
Hindi nililimitahan ng Netflix kung ilang device ang puwedeng gamitin, pero ang dami ng device kung saan puwede kang manood nang sabay (1 - 4 na screen) ay nililimitahan ng membership plan mo.
Sa ilang device, baka kailangan mo munang i-download ang Netflix app bago mo ito magamit.