Sabi ng Netflix, 'Naabot mo na ang taunang limitasyon sa pag-download para sa video na ito. (10016-22007)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Naabot mo na ang taunang limitasyon sa pag-download para sa video na ito. (10016-22007)

Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang maximum na bilang ng mga pag-download para sa isang partikular na TV show o pelikula.

May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon sa bawat account. Kung gusto mo nang panoorin ang TV show o pelikula, kakailanganin mong kumonnect sa Internet at i-stream ito.Puwede ka na lang ding pumili ng ibang TV show o pelikula na ida-download.

Mga Kaugnay na Article