Netflix Error tvq-pb-101 (5.2.101)

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa network mo na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng Samsung device, posibleng kailangan mong i-reset ang Smart Hub ng Samsung. Para makuha ang steps sa pag-reset sa Smart Hub, pumunta sa support site ng Samsung o makipag-ugnayan sa Samsung para magpatulong.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung naka-connect ang LG TV mo gamit ang Wi-Fi:

Aalisin ng steps na ito ang Wi-Fi settings sa TV mo. Bago gawin ang steps na ito, ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi network mo.

  1. Gamit ang LG remote mo, pindutin ang Home.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, piliin ang Settings.

  3. Sa kaliwa, piliin ang Network > Wi-Fi Connection.

  4. Hanapin ang pangalan ng Wi-Fi mo, pagkatapos ay piliin ang X para alisin ang connection.

  5. Para i-connect ulit, piliin ang pangalan ng Wi-Fi mo, pagkatapos ay ilagay ang password.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Kung naka-connect ang LG TV mo gamit ang cable:

  1. Gamit ang LG remote mo, pindutin ang Home.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, piliin ang Settings.

  3. Sa kaliwa, piliin ang Network > Wired Connection (Ethernet).

  4. Piliin ang I-edit, pagkatapos ay piliin nang dalawang beses ang Automatic na I-set.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Para i-connect sa Netflix account mo ang Xbox mo, siguraduhing naka-sign in ka sa Xbox Live account mo.

  2. Kapag naka-sign in ka na, subukan ulit ang Netflix.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-uninstall ang Netflix app:

  1. Mag-umpisa sa Xbox Dashboard.

  2. Piliin ang My Games & Apps.

    Paalala:Baka kailangan mong mag-scroll pababa para makita mo ang option na ito.

  3. Piliin ang Apps mula sa options sa kaliwa.

  4. I-highlight ang Netflix app at pindutin ang Menu button sa controller.

  5. Piliin ang Manage App.

  6. Piliin ang Uninstall All.

  7. Piliin ulit ang Uninstall All para i-confirm.

I-reinstall ang Netflix app:

  1. Mag-umpisa sa Home screen sa Xbox One mo.

  2. Mag-scroll pakanan para ma-access ang Store.

  3. Sa seksyong Apps, piliin ang Netflix.

    Paalala:Kung hindi mo makita ang Netflix, piliin ang Search all apps para i-search ang Netflix.

  4. Piliin ang Install.

  5. Kapag tapos nang i-download ang app, piliin ang Launch para mag-sign in at subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off o bunutin sa saksakan ang video game console mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang game console mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article