Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa network mo na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix.
Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.
Tingnan kung kayang mag-Netflix sa network mo
Mga public network:
Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.
Mga private network:
Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.
Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.
Pindutin ang Xbox button para buksan ang Guide.
Sa Profile & system menu, piliin ang Settings.
Piliin ang General > Network Settings > Advanced Settings > DNS Settings.
Piliin ang Automatic.
Subukan ulit ang Netflix.
Puwede itong mangyari kung may problema sa domain name system (DNS) server kung saan nakakonekta ang device mo. Para sa tulong sa pag-aayos ng problema sa DNS, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong Internet service provider (ISP).
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, hilingin sa kanilang:
Tiyaking kaya kumonnect ng iyong device sa mga Netflix address na ito:
secure.netflix.com
appboot.netflix.com
uiboot.netflix.com
fast.com
Tingnan kung may ma problema sa DNS sa modem o router mo, sa device mo, o sa mga DNS server nila.
Subukan ang ibang DNS server para malaman kung maaayos nito ang problema.
Pagkatapos mong kausapin ang ISP mo, inirerekomenda naming subukan ulit ag Netflix para siguraduhing naayos na ang problema.
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.