Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, walang internet connection. (N0)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, walang internet connection. Kumonnect at subukan ulit. (N0)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa Windows 10 computer mo sa pag-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-test ang internet connection mo

Puwede mong i-test ang connection ng computer mo sa internet, subukan lang na pumunta sa isang webpage, kagaya ng netflix.com.

Kung sasabihin ng browser mo na hindi nito mabuksan ang page dahil hindi naka-connect sa internet ang computer mo, baka mayroon kang isyu sa pag-connect at kailangang i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng computer mo sa internet. Pumunta sa support site ng Microsoft para sa karagdagang tulong.

Kapag naka-connect ka na sa internet, subukan ulit ang Netflix.

Tingnan kung kayang mag-Netflix sa network mo

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


I-restart ang home network mo

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:
Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Mga Kaugnay na Article