Netflix Error tvq-pb-101 (5.2.102)

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. Mag-umpisa sa home screen ng PS4.

    • Kung wala ka pa sa home screen, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller, piliin ang Close Application, at piliin ang OK.

  2. Mag-navigate sa seksyong TV & Video at i-highlight ang Netflix.

  3. Pindutin ang Options button sa controller.

  4. Piliin ang Check for Updates.

  5. Kung may makitang bagong version ng Netflix app, i-confirm ang pinili at i-download ang update.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Kung ibang-iba ang petsa at oras ng device mo sa kasalukuyang petsa at oras, hindi magpe-play nang maayos ang video mo. Para i-set ang oras:

  1. Mula sa main menu, pumunta sa Settings.

    • Kung wala ka sa main menu, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller. Piliin ang Quit, pagkatapos ay piliin ang Yes para bumalik sa home screen.

  2. Piliin ang Date and Time.

  3. Piliin ang Date and Time Settings.

  4. Piliin ang Set Using Internet.

  5. Piliin ang Set Automatically, kung wala pang check ang box.

  6. Piliin ang Set Now.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.

  2. Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.

  3. Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.

  4. Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.

  5. Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.

  6. Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.

    • Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

  1. Sa Dashboard ng Xbox, piliin ang Settings, pagkatapos ay System.

  2. Piliin ang Storage.

  3. Piliin ang All Devices kung mayroon nito, o piliin ang unang device sa list. Pinakamalamang na Memory Unit, USB storage, o Hard Drive ito.

    Tandaan:Kung marami kang nakikitang device, ulitin ang sumusunod na steps para sa bawat device.

  4. Piliin ang Games and Apps.

  5. Piliin ang Netflix.

  6. Piliin ang Netflix Saved Game.

  7. Piliin ang Delete.

  8. Piliin ang Yes para i-confirm.

  9. Kung makikita mo ang Netflix Xbox 360 Game, piliin ito, pagkatapos ay piliin ang Delete and confirm.

  10. Kung makikita mo ang Netflix Title Update, piliin ito, pagkatapos ay piliin ang Delete and confirm.

  11. Subukan ulit ang Netflix.

I-uninstall ang Netflix

  1. Pumunta sa Xbox 360 Dashboard, at pagkatapos ay pumunta sa Apps.

  2. Piliin ang My Apps, pagkatapos ay i-highlight ang Netflix app.

  3. Pindutin ang X button, pagkatapos ay piliin ang Delete > Yes.

I-reinstall ang Netflix

  1. Sa Xbox 360 Dashboard, pumunta sa Apps.

  2. Piliin ang Netflix para makuha ang app.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article