Sabi ng Netflix 'Error sa Site ng Netflix'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Error sa Site ng Netflix
Hindi namin na-process ang request mo.
Pumunta sa home page ng Netflix sa pamamagitan ng pag-click sa button sa ibaba.

Karaniwan itong nangangahulugang kailangang i-refresh ang browser mo, o may problema sa network connection mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

Para matukoy ang isyu mo, mag-sign in sa Netflix sa ibang device na nasa parehong network kung nasaan ang computer mo.

Tandaan:Kung naka-sign in ka na sa ibang device, mag-sign out muna sa Netflix, pagktapos ay mag-sign in ulit.

  • Kung makakakita ka ng error code o error message kapag nag-sign in ka, gumawa ng mga pagbabago sa account mo, o subukang manood, nangangahulugan itong hindi nagko-connect ang Netflix account. Pakisubukan ulit mamaya.

  • Kung wala kang makikitang error code o error message, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Para patuloy na manood ng Netflix, magbukas ng ibang browser o gumamit ng ibang device na supported ng Netflix.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Sa step na ito, siguraduhing hahayaan mong naka-off ang computer mo at sabay-sabay na hindi nakasaksak ang lahat ng home network equipment mo nang 30 segundo bago mo isaksak ulit ang bawat device nang paisa-isa.

  1. I-off ang computer mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light.

  4. I-on ulit ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article