Ang sabi ng Netflix, 'May problema sa pag-play ng video. (5.2)'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

May problema sa pag-play ng video. Pakisubukan ulit. (5.2)

Kadalasan, ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

Isara at buksan ulit ang app

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang I-force stop > OK.

  4. Buksan ulit ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Tandaan:
Posibleng iba ang steps para i-quit at buksan ulit ang app sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-reinstall ang Netflix app

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article