Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi mapapanood agad ang title na ito sa ngayon.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi mapapanood agad ang title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may error sa Netflix app. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article